Shopping security
📚 Tungkol sa aklat:
ANG MAKATA
“Supling ng makatang Emilio Mar. Antonio at Andrea Teodoro, maagang nagising sa pagtulang balagtasista si TTA. Batang munti pa’y tumutuntong na siya sa silya o balde para makaabot sa mikropono o kaya’y makapagputong sa mga pagdiriwang. Una siyang napasama sa mga modernista sa workshop noong 1970 sa Ateneo at pagkaraan ay napasama sa mga makata ng PAKSA (Panulat sa Kaunlaran ng Sambayan). Siya ang naging unang pangulo ng GAT (Galian sa Arte at Tula). Nakatulong ang kanyang bagong “kainumang-diwa” sa biglang tagumpay: unang gantimpala sa CCP Literary Contest, 1973; unang gantimpala sa panitik Balagtas, 1975; Makata ng taon sa Talaang Ginto, 1976, at lima pang pangunahing gantimpala sa Palanca at CCP. Magandang halimbawa ang pagtula ni TTA sa pagsisikap na mapaglangkap ang makabuluhang panuntunan mula sa bukal na balagtasista at modernista. Magaan at tradisyonal ang kanyang taludtod kaya’t mabisa sa kanyang paglululan ng pananalig na anakpawis.”
Ganyan ipinakilala si TTA sa Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (Philippine Education Co., Inc., 1981) bilang isa sa “Kalibre 45: Apatnapu’t Limang Makata” na pinili ng editor na si Virgilio S. Almario (naging Pambansang Alagad ng Sining noong 2003) upang ang mga akda’y maitampok at parangalan sa kauna-unahang antolohiya na nagtangkang “kilatisin ang panulaang Pilipino sa ika-20 dantaon”.
Sa mga makatang kampus na iniluwal ng dekada 70, na “ipinaglihi ang kanilang mga tula sang-ayon sa simulain at pamamaraan ng mga naunang makata ngunit ginising naman sa ‘demo’ at ‘d.g.’ sa panahon ng palubhang krisis,” si TTA lamang “ang may matingkad na simulang balagtasista bunga ng pagiging anak ng dating patnugot at hari ng balagtasan itong matapos ang digma na si Emilio Mar. Antonio.”
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jun 24 - Jun 29
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order